Wednesday, February 20, 2008

CIVIL AVIATION AUTHORITY BILL, MAGING BATAS NA

PORMAL NANG IPINASA NG KAMARA DE REPRESENTANTES SA PAMAGITAN NI HOUSE SPEAKER PROSPERO NOGRALES SA SENADO KAHAPON ANG PANUKALANG BATAS NA MAGTATATAG NG CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES NA NAKAPALOOB SA HOUSE BILL 3156.

SINABI NI NOGRALES NA NARARAPAT LAMANG UMANONG SEGURUHIN NG PAMAHALAAN NA LIGTAS, DE KALIDAD, MAPAGKAKATIWALAAN AT AFFORDABLE ANG MGA BIYAHENG PANGHIMPAPAWID PARA SA ATING MGA MAMAMAYANG BUMABIYAHE HABANG TINUKOY NAMAN NIYANG ITO AY KASAMA SA RIN UMANO LEDAC LEGISLATIVE AGENDA NA SIYANG NAMANG ISA SA MGA PRAYORIDAD NA PROGRAMA NG PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO.

AYON SA KANYA, MAYROONG PANGANGAILANGANG MAGTATAG NG ESTREKTONG MGA REGULASYON SA LAHAT NG CIVIL AVIATION ACTIVITIES AT MGA INSTITUSYON SA ATING BANSA UPANG MASEGURO ANG KALIGTASAN SA MGA BIYAHENG PANGHIMPAPAWID AT UPANG MAMINTINA ANG CATEGORY ONE CLASSIFICATION NG ATING PHILIPPINE CIVIL AVIATION.

INAASAHANG LALAGDAAN NI PANGULONG ARROYO ANG NABANGGIT NA PANUKALA ILANG ARAW MAGMULA NGAYON UPANG MAGING GANAP NA NA BATAS AT KASUNOD NA RITO ANG PAGPAPATUPAD NG NATURANG BATAS.