Tuesday, February 19, 2008

ANG METRO MANILA AY HINDI ANG BUONG PILIPINAS - SOLON

NAGBABALA KAHAPON SI DAVAO DEL SUR REP MARC DOUGLAS CAGAS NA KAKALAS SILANG MGA TAGA-MINDANAO MULA SA PILIPINAS AT BUBUO NG ISANG INDEPENDENT STATE KUNG PATULOY PA RING DEDIKTAHAN NG MGA TAGA-METRO MANILA ANG NAISIN NG MGA MAMAMAYAN SA PAMAMAGITAN NG PAGSABI NA KARAMIHAN SA MGA MINDANAOAN AY GALIT NA SA WALANG HABAS NA MISREPRESENTATION NG MGA MANILENYO SA TUNAY NA SENTIMIYENTO NG LAHAT NA MGA FILIPINO.

AYON KAY CAGAS, ANG MGA PANIBAGONG AKSIYON NA PABAGSAKIN ANG ARROYO ADMINISTRATION AT ANG WALANG KATAPUSANG IRINGAN SA PULITIKA NA NANGYAYARI LAMANG SA METRO MANILA AY MAAARING MAGBUNSOD NG PAGGIIT NILA NG KANILANG KARAPATANG MAGKAROON NG ISANG MALAYANG ESTADO.

PAPAANO UMANO MAGKAKAROON NG KAPAYAPAAN ANG BANSA KUNG ANG MGA TAO SA METRO MANILA AY PALAGING NAKIKIPAG-IRINGAN LABAN SA PAMAHALAAN SA PAMAMAGITAN NG MGA DEMONSTRASYON, PANAWAGANG RESIGNATION SA PANGULO AT MGA ANTI-ARROYO INVESTIGATIONS SA SENADO NA NAGING SANHI NG PAGKAANTALA NG PAGUNLAD NG KANAYUNAN PARTIKULAR NA RITO ANG MINDANAO.

IDINAGDAG PA NI CAGAS NA ANG ALINGAWNGAW HINGGIL SA TINATAWAG NA ZTE SCANDAL NA NAKATUON LAMANG SA PAGUUDYOK SA PUBLIKO NA MAGALIT SA ADMINISTRASYON AY HINDI NAMAN NAKAAPEKTO SA KARAMING MAMAMAYAN LALU NA SA MINDANAO.