SINABI NI REP EDUARDO ZIALCITA NG PARANAQUE NA ANG HB 3227 NIYA NA KILALANING THE SAFE HAVEN ACT O THE MOSES LAW AY MAGBIBIGAY PAHINTULOT SA MGA MAGULANG NA IPAUBAYA ANG KUSTODIYA AT PAG AALAGA NG KANILANG ANAK NA ANIMNAPUNG ARAW ANG GULANG O MAS BATA PA NA HINDI SINAKTAN, SA ISANG MIYEMBRO NG HOSPITAL, MEDICAL EMERGENCY FACILITY, POLICE O FIRE STATION O SA OPISINA NG DSWD.
ANG NATURANG MGA MAGULANG AY HINDI NA KAILANGAN PA UMANONG IBIGAY ANG KANILANG PANGALAN SA STAFF NG DSWD O SINUMANG RESPONSIBLE SA PAGGANGGAP SA KANILANG ANAK NGUNIT HINDI NANGANGAHULUGANG LIGTAS SILA KUNG SILA AY LUMABAG SA MGA PROBISYON NG REVISED PENAL CODE.
SINABI NI ZIALCITA NA ANG KANYANG PANUKALA AY INIHAIN NIYA UPANG MATUGUNAN ANG PAGBABA NG ANTAS NG MORALIDAD SA LIPUNAN BILANG RESULTA NG MGA TRAHEDYANG DULOT NG ABORTION, CHILD ABUSE, PAG ABANDONA AT IBA PANG URI NG ANTI-LIFE AT ANTI CHILD ACT.