ITO ANG IPINANUKALA NI REP IGNACIO ARROYO NG NEGROS OCCIDENTAL SA HB 2965 NA KILALANING TREE FOR LEGACY PROGRAM AT MAY LAYUNING HIMUKIN AT I-EMPOWER ANG ALAHAT NA FILIPINO NA MAGING BAHAGI SA RESPONSIBILIDAD NA ALAGAAN ANG INANG KALIKASAN NA IPINATUTUPAD NG PAMAHALAAN.
SINABI NI ARROYO NA LAHAT NG MGA FILIPINO AT ANG DARATING PANG MGA HENERASYON NITO NA DAPAT MARANASAN DIN ANG MAYAMAN NATURAL RESOURCES NG BANSA.
AYON PA SA KANYA NA NAKALULUNGKOT NA ANG MGA KABUNDUKAN NG ATING BANSA AT ANG MGA NATURAL NA YAMAN NITO AY KINALBO AT SINIRA LAMANG NG OPERASYON NG MGA ILLEGAL LOGGER.
ANG KANYANG PANUKALA AY NANANAWAGAN SA SINUMANG MGA TAO NA MAGTANIM NG PUNONG KAHOY SA LOOB NG MGA AREA NA DESIGNATED NG BATAS UPANG MAGAWARAN NG CERTIFICATION AT IKONSIDERA BILANG MAY ARI NG NATURANG MGA PUNO UPANG MAGKAROON ANG MGA ITO NG KARAPATANG I-HARVEST, IBENTA AT GAMITIN ANG MGA NABANGGIT NA TINANIM.