Wednesday, January 30, 2008

COMPUTER LITERACY SA MGA ESKUELA

IPINANUKALA SA KAMARA DE REPRESENTANTES NA ISAMA SA SCHOOL CURRICULUM ANG COMPUTER LITERACY UPANG ANG MGA FILIPINO GRADUATES AY MAGING GLOBALLY COMPETITIVE SA IKA-DALAWAMPU’T ISANG SIGLO.


SA HB 3089 NA INIHAIN NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA NA SIYANG TATAWAGING EDUCATION FOR THE 21ST CENTURY ACT AY MAY LAYUNING GAGAWAD NG ADVANCED EDUCATION NA KAILANGANIN NG MGA MAG-AARAL UPANG SILA AY MAKAKUHA NG TRABAHO PAGKATAPOS NG GRADUATION.

SINABI NG MGA MAY-AKDA NA ANG COMPUTER LITERACY SKILLS KAGAYA NG INFORMATION GATHERING, CRITICAL ANALYSIS AT COMMUNICATION NA GAMIT ANG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA AY KAILANGANIN SA BASICS NG PAGBABASA, PAGSUSULAT, MATHEMATICS AT IBA PANG MGA BATAYANG SUBJECT AREAS.

BAGAMA’T KARAMIHAN NG MGA PAARALAN NGAYON AY GUMAGAMIT NA NG MGA LASTEST COMPUTER HARDWARE, WALANG SILBE PA RIN UMANO ITO DAHIL HINDI NILA NAGAGAMIT ANG BENEPISYO NG COMPUTER-BASED LEARNING HANGGANG ANG MGA GURO AY GANAP NA NATURUAN SA MGA MAKABAGONG EDUCATIONAL SOFTWARE.

ANG PINAKA LAYUNIN UMANO NG PANUKALANG ITO AY ANG MABIGYAN ANG MGA ESKUWELAHAN NG KAALAMAN O TECHNOLOGICAL KNOWLEDGE NA MAITAAS ANG ACHIEVEMENT NG MGA ESTUDYANTE AT MAGING HANDA SILA PARA SA 21ST CENTURY WORKPLACE.