Wednesday, January 30, 2008

ANTI-CABLE TAPPING ACT

ISANG PANUKALANG BATAS ANG INIHAIN SA MABABANG KAPULUNGAN NG KONGRESO NG PILIPINAS NA MAGPAPATAW NG MABIGAT NA KAPARUSAHAN SA MGA MAGSASAGAWA NG ILLEGAL CABLE CONNECTION.

ANG HB 3075 NA INAKDA NINA REP NARCISO SANTIAGO, ISANG PATY LIST REP AT REP MARCELINO TEODORO NG LUNGSOD NG MARIKINA AY MAY LAYUNING MAPROTEKTAHAN ANG INDUSTRIYA NG CABLE TELEVISION SA MGA HINDI AWTORISADONG KONEKSIYON AT PAGBEBENTA NG INTERCEPTED O TINANGGAP NA SIGNAL SA CABLE TV SYSTEM.

ANG ANTI-CABLE TAPPING ACT AY NAKATAKDANG MAGGAGAWAD NG PAGKAKAKULONG NG ISANG TAON AT PATAW NA DI HIHIGIT SA SAMPUNG LIBONG PISO SA SINUMANG LALABAG SA ANTI-CABLE TAPPING ACT.

SINABI NG MGA MAY-AKDA NG PANUKALA NA MAYROON NANG MGA BATAS NA NAGPO-PROTEKSIYON SA MGA INVESTOR AT CONSUMER NG TUBIG AT KURYENTE NGUNIT SA CABLE TV NA SIYANG POPULAR DING COMMODITY AY WALA PA BATAS SA KASALUKUYAN.

AYON SA KANILA, ANG MGA REKLAMO NG MGA CABLE TV PROVIDER AT MGA CONSUMER HINGGIL SA HINDI AUTHORISADONG PAG-KONEKTA AY ANG NAGING BUNSOD NG KANILANG PAGHAIN NG NATURANG PANUKALA.